The Mysteries Behind Me
Thursday, June 29, 2006
Childhood Life
If you only know the secrets behind my laughs I dont think you can even join me laughing.
Wednesday, June 28, 2006
My Sentiments
Masasabi kong sya ang isa sa napakaraming factors kung bakit ganito ngayon ang isang henry. At ang ikikinakagalit ko pa ng sobra ay ang pagpuna nya sa bawat ikinikilos ko at pananaw sa bawat bagay ay ganong sya ang may kagagawan ng lahat.Sinasabi nya na wala akong pakisama eh samantalang noong bata pa naman ako ay ni hindi nya ako pinapayagang makipaglaro sa aking mga kababata.Gusto kong sabihin sa kanya lahat ngunit sa tuwing magkakaroon kami ng sagutan ay lagi nyang ibinabaoy ang pagkakapagpalaki nya akin, ang pag-aalaga,ang naipakain at naibigay. Kaya naman gusto kong matumbasan lahat ng naibigay niya para wala na syang masabi .
At sa lahat ng hindi matanggap-tanggap kung ano ako you have no choice but to do so.Hindi ko pinagpipilitang tanggapin nyo ako ang importante ay tanggap ko sa sarili ko kung ano at sino ako.....................
The Unlucky Ones
Solo akong anak .....bunsong panganay sabi nga nila napakasarap pakinggan kung tutuusin . solo kang tagapagmana kung may ari- ariang maiiwan , nasa iyo ang lahat ng atensyon , ang pagmamahal , pero sa iba lamang iyon ,iba ang aking sitwasyon at depende na rin sa akin kung paano ko maiiba ang iniwan nang tatak ng aming pangalan............simple lamang ang pamumuhay namin sa bukid at doon nga nagumpisa ang pamilyang ngayoy aking kinabibilangan.ayos lamang naman sa akin kahit gaano kasimple o kariwasa ang uri ng pamumuhay bastat sama-sama at walang problema. nagsimula lang naman ang bangungot sa aming buhay noong ako ay walong buwang gulang pa lamang. nagpunta noon sa ilog ang tatay upang labahan daw ang aking mga lampin ngunit may isang palaka na tila tumukso sa kanya.Pauli-uli daw ito sa kanyang harapan kaya natukso syang panain ito.mula noon ay nagkasakit na ang tatay ng epilepsy. At syempre sa isang pamilya na walang maayos na pinagkakakitaan lalo pa at ang padre de pamilya ang nagkaroon ng karamdaman lubos kaming nahirapan sa aspetong pinansyal.magkagannon pa man ginawa pa rin naman ng inay ang lahat upang gumaling ang tatay.hanggang sa noong 1997 ay tuluyan na syang nagpaalam at napakalaking dagok noon sa aming maaag-ina. Sa kabila ng lahat heto kami ngayon taas noo na sinasabing kinaya namin ang lahat kahit dadalawa na lang kami.
Know Me Better
Maybe you are curious because of the title of my blog but you should be also aware that every question has corresponding answers .The title the mysteries behind me would evolve on me, from my childhood up to present. You would surely discover everything and anything about me. And for those who knew me already but still have limitted information about me , time has come that Im ready to tell the world the experiences and bad memories that makes up HENRY lopez for the past 18 years and for the time ahead.