The Mysteries Behind Me

Wednesday, June 28, 2006

My Sentiments

Get graphics at Nackvision.com
Hindi ako sa tunay naming tirahan lumaki ,may tirahan kaming sarili ngunit gusto ng nanay na pumisan muna kami sa kanila. Eh ang kaso puro kaapihan ang naranasan ng inay sa kamay ng minya ko na kapatid ng tatay palibhasa ay hindi kursunadang maging hipag. Tiniis lahat iyon ng inay palibhasa ay no choice but to stay. Napakalaki rin ng impluwensya nya sa akin simula pa noong kami ay nasa kanila. Sobrang istrikta nya sa akin na halos hindi na ako makahinga.
Masasabi kong sya ang isa sa napakaraming factors kung bakit ganito ngayon ang isang henry. At ang ikikinakagalit ko pa ng sobra ay ang pagpuna nya sa bawat ikinikilos ko at pananaw sa bawat bagay ay ganong sya ang may kagagawan ng lahat.Sinasabi nya na wala akong pakisama eh samantalang noong bata pa naman ako ay ni hindi nya ako pinapayagang makipaglaro sa aking mga kababata.Gusto kong sabihin sa kanya lahat ngunit sa tuwing magkakaroon kami ng sagutan ay lagi nyang ibinabaoy ang pagkakapagpalaki nya akin, ang pag-aalaga,ang naipakain at naibigay. Kaya naman gusto kong matumbasan lahat ng naibigay niya para wala na syang masabi .
At sa lahat ng hindi matanggap-tanggap kung ano ako you have no choice but to do so.Hindi ko pinagpipilitang tanggapin nyo ako ang importante ay tanggap ko sa sarili ko kung ano at sino ako.....................
posted by Mysterious One at 12:42 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home